paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_11_01_archive.html
November 27, 2003 2:04 pm. Kung boboto ako sa eleksiyon, pagtitiyagaan ko na lang kung sinuman iyong iboboto ko. Kumbaga, siya na nga lang kasi iyong iba ay hindi ko kursunada. Wala ka talagang mapili. Tuwing eleksiyon tila ganoon lagi ang naririnig ko. May mali sa ganoong situwasyon na hindi na nabago kada botohan. Kung anu-ano ang sinasabi ko, hindi naman ako boboto. Ni hindi nga ako rehistrado. O simulan na ang pagpapako at ang kalbaryo. Ernan at 1:46 PM. November 13, 2003 2:03 am. Ernan at 1:43 AM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_08_01_archive.html
August 30, 2003 2:44 am. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang may oras pa ako at hindi gaanong inaantok at nalalata ang katawan. Makakapag-post din ako ulit, sa wakas. Pagdating ko'y binigyan ako ng digicam. Aba'y kinapa ko pa kung papaano pa-clickin. Buti na lang at di ako malaking tanga, nakakuha naman ako. Ewan ko nga lang kung maayos. Ang Cheese. Kesong tumatalbog-talbog at nagheheadbang. Ernan at 3:02 AM. August 24, 2003 3:32 pm. May bago akong natutunan kahapon. Ang simbahan ng Nuestra S...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2011/06/lemonheads-makes-me-happy.html
Lemonheads makes me happy. I know a place where I can go when I’m alone. Whoa, into your arms. I know a place that's safe and warm from the crowd. Into your arms, whoa. And If I should fall . I know I won't be alone. Ernan at 11:04 PM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_10_01_archive.html
October 29, 2003 3:01 am. May palaisipang moral na gumagambala sa akin. Tignan ang kaso ng isang Adolf Hitler o Mahatma Gandhi sa mga alternatibong takbo ng buhay. Mga hypotheses lamang, pangkukunwari. 2) Sabihin nating si Mahatma Gandhi ay ang kabaliktaran ni Adolf Hitler. Masama noong kabataan. Lahat ng luho ay alam. Makamundo, puno ng galit at sidhi sa kapuwa't mundo. Ngunit sa huling tagpo ng kanyang buhay, may bumigay at siya ay naging lubos na mabuti at mala-santo. Walang absoluto. At palagay k...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2008/09/simula-ngayon-kahit-isang-pangungusap.html
Simula ngayon kahit isang pangungusap lang. Ako rin lang naman. Ako. Hindi ba? Ernan at 11:53 AM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_04_01_archive.html
April 29, 2003 3:09 pm. Ayokong tumanda. Hindi sa pagiging vanidoso kundi ayokong umako ng kung anu-anong responsibilidad. In short, ayokong mag-decide. Ilang beses ko na bang napatunayan 'yan. Maski sa pinakamaliit tulad ng kung saan kakain hanggang sa pinakamalaki gaya ng anong gagawin sa buhay, hindi ko mabigyan ng sagot. Lagi, nagpapadala ako sa desisyon ng iba o sa takbo ng buhay. Pinapabayaan ang buhay at ang pagkakataon ang dumaluyong at magpapadala na lang ako sa agos. Ernan at 3:49 PM. Kay tagal...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2011/04/hindi-na-madali-ang-magsulat-para-sa.html
Hindi na madali ang magsulat para sa akin. Di tulad nooon. Hindi lang tula o mga malikhaing akda, kahit ano. Nahihirapan na akong magsulat. At kamakailan, habang nakasakay ng jeep o bus, o naglalakad sa kalye, napagtanto ko na parte ito ng pleasure control ko. Iwas hirap kasi ako. Kapag ang isang bagay o gawain ay naging mahirap na, o naging balakid, o hindi ko makita ang agarang solusyon, iniiwan ko ito. Isinasantabi. Kaya salamat na rin sa mga kaibigan na patuloy na naniniwala. Ernan at 2:56 PM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2008/07/pinariringgan-na-naman-ako.html
Pinariringgan na naman ako. Nagpaparamdam na naman. Totoo, sa lahat ng aspeto. Ayaw akong tantanan. At ayaw, ayaw ko rin namang tantanan ako. Mahinto. Pero kaya nandito ito uli dahil dito -. Hindi sa pagiging tapat kundi para maging sapat. Ernan at 4:54 PM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2002_08_01_archive.html
August 26, 2002 11:00 pm. Hindi ko alam kung bakit sa buong araw sa kanila ko nabaling ang pansin. Papasakay ng MRT, hindi ang dami at haba ng pila ang nakita ko kundi ang balat ng kendi sa sahig. Ngayon ngang inililista ko ang lahat ng mga bagay na napansin, hindi ako magkamayaw sa pagbibilang. Kay dami pala ng tinatalunan ng ating paningin araw-araw, ang dami nating hindi tunay na nakikita. Ernan at 7:32 PM. Cold turkey has got me on the run. Ernan at 10:50 AM. Ernan at 4:06 PM. Ernan at 4:05 PM.