paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_11_01_archive.html
November 27, 2003 2:04 pm. Kung boboto ako sa eleksiyon, pagtitiyagaan ko na lang kung sinuman iyong iboboto ko. Kumbaga, siya na nga lang kasi iyong iba ay hindi ko kursunada. Wala ka talagang mapili. Tuwing eleksiyon tila ganoon lagi ang naririnig ko. May mali sa ganoong situwasyon na hindi na nabago kada botohan. Kung anu-ano ang sinasabi ko, hindi naman ako boboto. Ni hindi nga ako rehistrado. O simulan na ang pagpapako at ang kalbaryo. Ernan at 1:46 PM. November 13, 2003 2:03 am. Ernan at 1:43 AM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_02_01_archive.html
February 28, 2003 2:48 am. Huling araw na ng Pebrero at papatak na ang buwan ng kapanganakan ko. Hindi ko naman talaga pinakakaabangan ang bertdey ko. Ni hindi ko nga ipinapaalam sa ibang tao. Nariyan na ang pag-iba sa application forms ng birthdate ko, ang pag-celebrate sa iba't ibang date. Hanggang ngayon pa rin ata, kapag tinanong mo ang mga kabarkada ko sa kolehiyo kung kailan ang bertdey ko, kamot sa ulo lang ang maisasagot nila. Ngunit ngayon, may namumuong plano. May kalakip na hamon ito sa'kin...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_08_01_archive.html
August 30, 2003 2:44 am. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang may oras pa ako at hindi gaanong inaantok at nalalata ang katawan. Makakapag-post din ako ulit, sa wakas. Pagdating ko'y binigyan ako ng digicam. Aba'y kinapa ko pa kung papaano pa-clickin. Buti na lang at di ako malaking tanga, nakakuha naman ako. Ewan ko nga lang kung maayos. Ang Cheese. Kesong tumatalbog-talbog at nagheheadbang. Ernan at 3:02 AM. August 24, 2003 3:32 pm. May bago akong natutunan kahapon. Ang simbahan ng Nuestra S...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2011/06/lemonheads-makes-me-happy.html
Lemonheads makes me happy. I know a place where I can go when I’m alone. Whoa, into your arms. I know a place that's safe and warm from the crowd. Into your arms, whoa. And If I should fall . I know I won't be alone. Ernan at 11:04 PM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_10_01_archive.html
October 29, 2003 3:01 am. May palaisipang moral na gumagambala sa akin. Tignan ang kaso ng isang Adolf Hitler o Mahatma Gandhi sa mga alternatibong takbo ng buhay. Mga hypotheses lamang, pangkukunwari. 2) Sabihin nating si Mahatma Gandhi ay ang kabaliktaran ni Adolf Hitler. Masama noong kabataan. Lahat ng luho ay alam. Makamundo, puno ng galit at sidhi sa kapuwa't mundo. Ngunit sa huling tagpo ng kanyang buhay, may bumigay at siya ay naging lubos na mabuti at mala-santo. Walang absoluto. At palagay k...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2008/09/simula-ngayon-kahit-isang-pangungusap.html
Simula ngayon kahit isang pangungusap lang. Ako rin lang naman. Ako. Hindi ba? Ernan at 11:53 AM.
panget.livejournal.com
LJ panget is pretty much forgotten but but but: from hellobebe: "can… - panget
http://panget.livejournal.com/26294.html
Mon, Jul. 13th, 2009, 03:37 pm. LJ panget is pretty much forgotten but but but:. Can you go old school and post something here? I just want to see panget in my feed, i never had that kilig before. mwah". So here's something worth posting. Mon, Jul. 13th, 2009 07:34 pm (UTC). But i thought . . . ok, I will kill myself now. goodbye, cruel world. Tue, Jul. 14th, 2009 02:10 am (UTC). Tue, Jul. 14th, 2009 10:34 am (UTC). Tue, Jul. 14th, 2009 06:00 pm (UTC). I totally forgot about this na. Sfwj hexlu porn hub.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2003_04_01_archive.html
April 29, 2003 3:09 pm. Ayokong tumanda. Hindi sa pagiging vanidoso kundi ayokong umako ng kung anu-anong responsibilidad. In short, ayokong mag-decide. Ilang beses ko na bang napatunayan 'yan. Maski sa pinakamaliit tulad ng kung saan kakain hanggang sa pinakamalaki gaya ng anong gagawin sa buhay, hindi ko mabigyan ng sagot. Lagi, nagpapadala ako sa desisyon ng iba o sa takbo ng buhay. Pinapabayaan ang buhay at ang pagkakataon ang dumaluyong at magpapadala na lang ako sa agos. Ernan at 3:49 PM. Kay tagal...
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2002_11_01_archive.html
November 29, 2002 4:00 am. Sa kanto ng J. Marzan at R. Magsaysay tambak ang basura. May asong naghahanap ng makakain o maiihian. Kinakamot ang ulo nito ng amo. Pinalamutian na ang Nagtahan Bridge ng mga parol. Dalawa kaagad ang pundidong parol. Nalalapit na ang Pasko. Sa kahabaan ng Quirino Avenue, ang Burger Machine. May kumakain na lalake habang nakasandal ang babae. Nakaakbay ang lalake sa babae at sapu-sapo niya ang suso nito samantalang kumakagat sa Bart Burger. Ernan at 2:48 PM. Ernan at 9:12 PM.
paanipedro.blogspot.com
paanipedro
http://paanipedro.blogspot.com/2011/04/hindi-na-madali-ang-magsulat-para-sa.html
Hindi na madali ang magsulat para sa akin. Di tulad nooon. Hindi lang tula o mga malikhaing akda, kahit ano. Nahihirapan na akong magsulat. At kamakailan, habang nakasakay ng jeep o bus, o naglalakad sa kalye, napagtanto ko na parte ito ng pleasure control ko. Iwas hirap kasi ako. Kapag ang isang bagay o gawain ay naging mahirap na, o naging balakid, o hindi ko makita ang agarang solusyon, iniiwan ko ito. Isinasantabi. Kaya salamat na rin sa mga kaibigan na patuloy na naniniwala. Ernan at 2:56 PM.
SOCIAL ENGAGEMENT